Lagdaan at i-annotate ang iyong mga PDF

Laktawan ang pag-download at pag-print kapag oras na para lagdaan ang isang PDF. Gamitin ang tool sa anotasyon para gumuhit ng iyong personal na lagda, magkumpleto ng mga form, at mag-highlight ng mga linya.

  1. Magbukas ng PDF at i-click ang Mga Anotasyon .
  2. Piliin ang istilo at kulay ng iyong pen o highlighter.
  3. Iguhit ang iyong anotasyon o lagda, at i-click ang I-save .

Tip: Para mas mapadali ang pagguhit sa isang maliit na linya, I-zoom ang PDF.

I-autofill ang iyong mga loyalty card, detalye ng flight, at impormasyon ng sasakyan

Huwag nang maghanap ng mga detalye! Naka-integrate na ang Chrome sa Google Wallet para mabilis at secure na mag-autofill ng higit pang uri ng impormasyon.

  • Mga loyalty card: Makuha ang iyong mga reward nang walang pisikal na card.
  • Impormasyon ng sasakyan: Mabilisang kumpletuhin ang mga form para sa mga quote sa insurance, booking sa parking, o pagpaparehistro ng iyong sasakyan online.
  • Mga detalye ng flight: Mas mabilis na mag-check in sa pamamagitan ng awtomatikong pagpunan ng mga numero ng kumpirmasyon at petsa.

Para magamit ang mga feature na ito:

  1. Mag-sign in sa Chrome.
  2. Pumunta sa Mga Setting ng Chrome > Autofill at mga password > Pinahusay na Autofill
  3. I-on ang ‘Pinahusay na autofill’.
Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.

Tingnan ang dalawang page sa isang tab

Inilalagay ng split view ang dalawang page nang magkatabi sa iisang tab. Mas pinapadali nitong paghambingin ang mga opsyon, manood ng video habang nagtatala, at higit pa.

Para magbukas ng split view, mag-drag ng isa pang tab sa kaliwa o kanang gilid ng window ng iyong browser. O kaya, mag-right click sa isang link at piliin ang Buksan ang Link sa Split View.

Kunin ang iyong mga grupo ng tab on the go

Kapag gumawa ka ng grupo ng tab, awtomatiko itong mase-save sa iyong Google Account – para mabuksan mo ang mga tab na iyon at makapagpatuloy ka sa anumang naka-sign in na device.

Para simulang tingnan ang iyong mga grupo ng tab sa lahat ng device:

  1. Mag-sign in at gumawa ng grupo ng tab. Awtomatikong mase-save ang grupo ng tab sa account mo.
  2. Para buksan ang iyong grupo sa ibang device:
    1. Mobile: Pumunta sa iyong mga nakabukas na tab at i-click ang seksyong grupo ng tab .

    2. Desktop: I-click ang icon ng grupo ng tab sa iyong bookmarks bar (kung bukas) o sa menu ng Chrome.

Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device
Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device
Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device
Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.
Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device
Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device
Mga Grupo ng Tab sa lahat ng iOS, Android, at desktop device