Bagong paraan para tingnan ang iyong mga tab

Inililipat ng mga vertical na tab ang iyong mga tab sa gilid ng window mo, na nagbibigay-daan sa iyong makita ang buong mga pamagat ng tab, madaling pamahalaan ang mga grupo ng tab, at magbakante ng vertical na space. Ito ang perpektong setup kung karaniwan kang may maraming tab na nakabukas nang sabay-sabay.

Para ilipat ang iyong mga tab, mag-right click sa tab strip mo at piliin ang Ipakita ang mga tab nang patayo.

Lagdaan at i-annotate ang iyong mga PDF

Laktawan ang pag-download at pag-print kapag oras na para lagdaan ang isang PDF. Gamitin ang tool sa anotasyon para gumuhit ng iyong personal na lagda, magkumpleto ng mga form, at mag-highlight ng mga linya.

  1. Magbukas ng PDF at i-click ang Mga Anotasyon .
  2. Piliin ang istilo at kulay ng iyong pen o highlighter.
  3. Iguhit ang iyong anotasyon o lagda, at i-click ang I-save .

Tip: Para mas mapadali ang pagguhit sa isang maliit na linya, I-zoom ang PDF.

I-autofill ang iyong mga loyalty card, detalye ng flight, at impormasyon ng sasakyan

Huwag nang maghanap ng mga detalye! Naka-integrate na ang Chrome sa Google Wallet para mabilis at secure na mag-autofill ng higit pang uri ng impormasyon.

  • Mga loyalty card: Makuha ang iyong mga reward nang walang pisikal na card.
  • Impormasyon ng sasakyan: Mabilisang kumpletuhin ang mga form para sa mga quote sa insurance, booking sa parking, o pagpaparehistro ng iyong sasakyan online.
  • Mga detalye ng flight: Mas mabilis na mag-check in sa pamamagitan ng awtomatikong pagpunan ng mga numero ng kumpirmasyon at petsa.

Para magamit ang mga feature na ito:

  1. Mag-sign in sa Chrome.
  2. Pumunta sa Mga Setting ng Chrome > Autofill at mga password > Pinahusay na Autofill
  3. I-on ang ‘Pinahusay na autofill’.
Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.

Tingnan ang dalawang page sa isang tab

Inilalagay ng split view ang dalawang page nang magkatabi sa iisang tab. Mas pinapadali nitong paghambingin ang mga opsyon, manood ng video habang nagtatala, at higit pa.

Para magbukas ng split view, mag-drag ng isa pang tab sa kaliwa o kanang gilid ng window ng iyong browser. O kaya, mag-right click sa isang link at piliin ang Buksan ang Link sa Split View.

Experience ng user sa autofill para sa pagpunan ng mga loyalty card, impormasyon ng sasakyan, at impormasyon ng flight.